Maaring mabuhay ang tao na wala siyang malay na masaya siya. Sa kaso ni Amelita sa pelikulang Kubrador, hindi na niya hinahanap ang kaligayahan dahil limot na niya ito nang matagal. Ang mahalaga sa kanya, sa paggala-gala niya sa kanyang mahirap na kapitbahayan, makahanap siya ng tataya sa kanya sa jueteng at makaiwas sa mga naghahabol sa kanya na mga pulis. Sa puntong ito kung saan hindi na niya inaalaala ang kasiyahan, maaaring masaya na siya ngunit hindi niya ito namamalayan. Na malamang ay totoo: hindi man niya intensyong hanapin, natagpuan ni Amelita ang pagiging masaya sa pamamagitan ng kanyang pinagkakaabalahang gawain, ang pagiging kubrador. Hindi man siya mayaman, masaya naman siya kahit na hindi P300,000 ang naiuuwi niya araw-araw (na inirarasyon lamang sa isang lokal na pinuno) kundi P57 lang na komisyon, makaraos lang sa pangangailangan kahit hindi sapat. Kunsabagay, depende sa isip ang pagiging mahirap, dahil kahit dukha, maaaring masaya na kaya hindi nakakaramdam ng pangangailangan. At dahil hindi malay ni Amelita na masaya siya, hindi niya nararamdaman na kailangang maging masaya siya. Kung mamalayan ni Amelita na masaya na siya sa pagiging kubrador, doon na papasok ang krisis niya: dahil kuwestiyonable na ang kasiyahan kung aaminin niya na may malay siya sa kasiyahan. Kung totoong masaya siya, kailangan pa ba niyang, halimbawa, ipangalandakan ito? Pinipilosopiya ang kasiyahan, hindi sinasabi. Mamalayan man ng isang tao na masaya siya sapat para aminin iyon, mas makatotohanan kung isasagawa niya ang kasiyahan.
Sa kabilang banda, maaari ring hindi nagiging malaya ang tao dahil pinipili niyang huwag maging malaya. Sa kaso ni Amelita, nagmemeron siya ng pagkamiserable dahil ayaw niyang palayain ang sarili sa pagkamatay ng kanyang anak. Hindi niya matanggap na yumao na ang anak niya, kaya nakakulong siya sa kanyang pighati. Samakatuwid, sinasadya niya na huwag maging malaya. May kakayanan siya na humulagpos mula sa kanyang pighati ngunit siya mismo ang pumipili na makulong dito. Hindi siya nagiging malaya dahil sarili niyang desisyon na huwag lumaya. Samantala, maaari rin namang hindi nagiging malaya ang tao dahil pinipili para sa kanya ang pagiging malaya o pagiging bilanggo. Malaya saan? Malaya para? Kung hindi malaya ang tao dahil sa sistemang panlipunan (na nilalarawang mabuti si Amelita sa kanyang pagkabilanggo sa ilegal na sugal), iyon ay dahil mas malakas ang puwersa ng lipunan kaysa sa tao. Sa kabilang banda, hindi man pinipili ng tao ang kalayaan niya kundi pinipili para sa kanya, may kakayanan pa rin siyang lumaya dahil siya ang may katawan, ang may lubos na sakop sa kanyang isip. Maaaring hawak ng sistema ang kanyang katawan para ibilanggo, ngunit hindi kailanman masasakal ng sistema ang kanyang isip maliban na kung nalason na nito ang isip. Ang pagtakas ng isip sa kung anumang pagkabilanggong ginagawa sa katawan ay isang pagtakas, isang pagpapakita ng kalayaan.
learn the facts here now Ysl replica bags find replica bags buy online Visit Website cheap designer bags replica
ReplyDeletex2j85a1w09 h9q22j5x13 a9a94h3m47 o5q26t6t06 e6t00i8f24 v2j45v4d05
ReplyDelete