the gapanese invasion is nigh!

"pinakamaganda ka nga sa buong kapuluan, pero latina na naman ang magwawagi ng korona at sash sa miss world! racism ba ito? lupasay!"

Tuesday, January 27, 2009

10:17, sa recto






















(note: this poem was written after president gloria macapagal-arroyo declared a state of emergency in yet another instance of bending the law.)
***
Apuhap ka ng paningin
Tuwing tinutunton ng mga panlakad
Ang kahabaang ito ng malalamlam na ilaw
Sa mabagsik na dilim
At sa panulukang kinatatayuan ng Isetann,
Susulyapan kita sa gilid ng mga mata,
Paglalaruan sa guni-guni ang kakinisan ng iyong
Kutis at kalakihan ng iyong
Bisig, kung paanong ang Adonis na kinakatawan mo
Ay ginagatungan ang lagablab sa aking dibdib.
Sa pagdaan ko’y masasamyo ko ang halina
Ng iyong Polo Sport
At sa tititig ka’y mangungusap ka ng "Halika…"
Ang kakisigan mo’y sapat na pangrahuyo
Ngunit sa ‘di kalayua’y taban na ng mga pulis
Ang kanilang batuta
Kailangang magmadali ako
Dahil sa 10:17
Ay kalaliman na ng gabi
Sa Recto.

No comments:

Post a Comment