the gapanese invasion is nigh!

"pinakamaganda ka nga sa buong kapuluan, pero latina na naman ang magwawagi ng korona at sash sa miss world! racism ba ito? lupasay!"

Sunday, October 18, 2009

ang pag-uulit bilang pag-unawa sa tunay na pag-iisip


Para kay Heidegger, para makaunawa sa tunay na pag-iisip, kailangan ang seisvergessenheit (pagkalimot sa meron) at balikan ang pag-unawa sa kasabay nitong nagpapahayag ngunit nagkukubli. Dapat pakilusin ang isip dahil meron ang nagpapahayag ng aletheia, na totoo at aktong nangyayari kaya hindi mapasusubaliang isang kilos na tuluy-tuloy lamang ang pangyayari kaya hindi mahuhuli. Hindi bale dahil may gelasseinheit naman na para siyang gamiting pagpapahayag at pagpapaubaya sa pagpapakita ng meron. Dapat na isinusuko ang sariling magbigay ng rason dahil anunman ang mangyari, ito ay meron na, hindi na kailangang itakda ang dahilan, ipinapaubaya sa meron ang lahat, nagpapaubaya at nagpapalaya ng puwedeng ipakitang meron nawawala ang hawak sa akin. Aaminin na hindi hawak ang lahat. Nawawala ang lahat sa akin.
Halimbawa nito ang kahulugan ng kaligayahan, dapat kong limutin ang salitang kaligayahan dahil salita lang siya na kumakatawan sa isang estado ng isip na meron naman talaga kahit hindi pa naimbento ang salitang pantawag sa kanya noon. Kailangang makalimutan dahil kung may okupasyon akong isipin iyon buong maghapon magdamag, mawawalan siya ng tunay na kahulugan sa akin bagkus ay magiging salita na lamang ito. Sa panahong sabihin kong masaya ako, mauunawaan kong hindi ako tunay na masaya dahil kung napakasaya ko, bakit hindi ko hayaang ipakita nito ang kanyang sarili sa gawa at hindi sa salita? Totoo namang may kaligayahan gaya kapag pumasa ako sa mga pagsusulit o sama-sama ang buong pamilya o nagpaparamdam ng lambing ang minamahal. Ang kaligayahang ito, hindi ipinagsisigawan ang kanyang sarili bagkus ay nagkukubli sa kaisipang alam na ang kanyang katangian noon pa mang wala itong pangalan. Hindi na kailangang umapuhap ng rason para sa pag-iral nito dahil ang kaligayahan, meron na sa iba't ibang panahon at lugar kaya dapat nang ipaubaya sa pagkameron niya ang kanyang kahulugan. Anumang pangalan ang ibigay sa kanya, hindi pa rin ito lubos na mahahawakan o maikukulong ang kahulugan. Meron nang kaligayahang lampas pa sa pangalan at iyan ang dapat na maunawaan.

1 comment: