Ang panitikan ng Pilipinas bago mapailalim ang bansa sa impluwensiya ng mga Amerikano ay mahahati sa tatlong bahagi: ang panahong prekolonyal, ang panahon ng mga Kastila, at ang panahon ng pagkamakabayan. Dahil ang mga panahong ito ang mga unang bugso ng panitikan ng bansa, repleksyon sila ng pinakamatatanda ngunit “laging-sariwang alaala ng [ating] lahi,” ayon sa Pambansang Alagad ng Sining na si Rolando Tinio, sa kanyang tekstong Panitikan para sa Kaisahan ng Bayan. Ang karakter ng bawat isa, mula sa pagiging oral hanggang relihiyoso hanggang nasyonalistiko, ay salamin ng sosyo-historikal na kaligiran ng lipunang pinagmulan ng panitikan ng mga sinaunang panahon. Samakatuwid, ang mga panitik na ito ay pinakamainam intindihin at angkinin kung pag-aaralan bilang mga ekspresyon ng kultura, mithiin, at gawi ng buhay—kung gayon, alaala—ng ating lipi.
Ang prekolonyal na pinakamahabang panahon sa panitikan ng Pilipinas (mula ___ B.K. hanggang 1564) ay kakikitaan ng tradisyong oral na naisalin sa atin ng ating mga ninuno sa porma ng mga epiko, kuwentong bayan, awit, bugtong, at salawikain. Ang mgapinakasimpleng porma ng panitikang oral na bugtong at salawikain ay nagbibigay ng palaisipan at ng matalinghaga ngunit puno-ng-karunungang kasabihan, ayon sa pagkakasunod. Ang mga awit naman tuwing may ipinapanganak, namatay, kasal, digmaan, anihan o punlaan, oyayi, awit ng pag-ibig, awit ng panambahan sa mga anito, at awit ng gawain ay nakasama sa pang-araw-araw na ritwal ng mga katutubong ninuno; ilan dito ay sinabayan ng mga sayaw at naging basehan ng drama. Sa prosa, ang mga mito, pabula, alamat at kuwentong kababalaghan ay naging repleksyon ng pagtanaw sa mga pinagmulan ng mga diyoses, ng kalikasan, pati na ng hindi maipaliwanag gaya ng tiyanak, aswang, kapre o nuno sa punso. Sa tula, may tanaga, diona at ang pinakaimportante dahil sa kaangkinang paniniwala, pagpapahalaga, at buhay ay ang rehiyunal, naratibong epiko gaya ng Biag ni Lam-Ang, Hinilawod, Tuwaang, Bantugan at Indarapatra at Sulayman. Ang mga nabanggit na piraso ng panitikan ay nagsisilbing tagpi-tagping mantel ng prekolonyal na karanasan ng ating mga ninuno at dahil sa salik na tradisyon, naipamana sa atin ang nabigyang-anyo at makabuluhang katutubong alaala upang bigyang “-dilag, ngalan at dangal” ang ating pagkabansa.
Sa pagdating ng mga Kastilang nagkamisyon ng Kristiyanisasyon sa Pilipinas, ang panitikan ng Pilipinas sa panahong Kolonyal (1565-1863) ay nagkaroon ng katangiang relihiyoso. Sinimulan ng pagkalimbag ng unang libro sa Pilipinas na Doctrina Christiana noong 1593, naimprenta rin ang mga manwal ng katekismo at kumpisal, mga aklat-gramatika at diksyunaryo. Dahil opresibo ang panahong ito, ang mga tradisyong oral ay hindi nailimbag at kung mayroon man, hinaluan ito ng Kritiyanismo ng mga prayleng nagtala ng mga ito. Sa panahong ito nabuo ang pinakapopular na relihiyosong panitikan, ang pasyon at kamatayan ni Kristo gaya ng Ang Mahal na Passion ni Jesu Kristong Panginoon Natin ni Gaspar Aquino de Belen. Nabuo rin ang pinakapopular na awit, ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas, isang maituturing na alegorya ng protesta sa rehimeng Kastila. Pinakapopular namang prosa ang libro ng kagandahang-asal na Pagsusulatan ng Dalawang Binibini na si Urbana at Felisa ni Padre Modesto de Castro. May iba pang uri ng panitik noon gaya ng duplo, karagatan, at komedya, isang drama ng digmaan sa pagitan ng mga binyagan at Moro. Naimpluwensiyahan man ng dayuhang puwersa ang ating pagkilala sa sarili, hindi mapapasubalian na ang karanasan natin ay nagpayaman sa ating alaala at unti-unting humubog sa tinatawag ni Frantz Fanon na “National Culture” (Pambansang Kalinangan). Ang panitikan sa panahong Kolonyal ay kabilang sa “kabuuang pagpupunyagi na nililikha ng tao” kahit pa nga nasa ilalim tayo ng klima ng kolonisasyon at, samakatuwid, paglalagalag ng identidad. Ang panitikang nabanggit ay “habi ng lahi at pinaiiral” natin ayon sa ating karanasan bilang bansa.
Ang panahong Propaganda at Rebolusyon ang bahagi ng panitikan ng Pilipinas na nagpatibay sa ating pambansang kalinangan dahil sa “mga kilos na nagiging limitado sa kaugnayan sa palagiang reyalidad ng lahi.” Ang kolonyalismo ay inusig ng kontra-memorya ng mga propagandista at rebolusyonaryong naghangad na bawiin ang nawalang pagkakakilanlan dahil sa represibong kamalayang idinikta ng nanakop na dayuhan. Ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ng Pambansang Bayaning si Jose Rizal ang mga pangunahing panitik na nagsulong para buuin ng ating bansa ang ating Pambansang Kalinangan. Kabilang ang mga tekstong Katapusang Hibik ng Pilipinas, Liwanag at Dilim at Dekalogo sa ilang panitik na naglayong palayain ang bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng katangian sa panitikang mas kapani-paniwalang Filipino, samakatuwid ay mas buo ang identidad. Ang ating karanasang naisatitik sa mga teskto ay hindi na mabubura dahil ito ay ating alaala, ang ating pagkakakilanlan, ang ating pagkabansa.
THanks for the material
ReplyDeletethanks pOh
ReplyDeletethis really helped me as a high school student..thanks a lot!
ReplyDeletethanks poh!
ReplyDeleteadditional hints more helpful hints check that pop over here helpful site 7a replica bags wholesale
ReplyDeletereplica radley bags go to my site t6t82q0b51 replica bags online pakistan replica bags korea Look At This g3b14e1u37 replica bags us replica bags thailand fake gucci u9u07h7y56 replica bags thailand
ReplyDelete