Nagmula sa Arabya noong ika-7 Siglo ang Islam na isang paniniwalang pinasimulan ni Propetang Muhammad, kung kanino ipinatuklas ng diyos na si Allah ang kanyang karunungan at propesiya. Nang sumakabilang-buhay si Muhammad, ikinalat ng kanyang mga tagasunod ang Islam sa Gitnang Silangan, Hilagang Africa, Espanya, Gitnang Asya at Silangang Europa. Kapagdaka pa, umabot ang kanilang relihiyon sa Sub-Saharan Africa at Timog-Silangang Asya. Noong kalagitnaan ng ika-13 Dantaon, tumalon ang Islam mula Malaya at Borneo patungo sa katimugang isla ng Pilipinas na Mindanao sa pamamagitan ng Kapuluang Sulu.
Hustong noong 1380 nang makarating ang unang misyonerong Muslim na si Karim ul’Makhdum sa Jolo, Sulu. Ilang misyonerong Arabong Mulim kasunod ni Karim ang nagpatatag ng Islam sa bansa mula Mindanao kung saan pinakamalaki ang konsentrasyon ng mga naniniwala hanggang sa mga baybayin sa hilaga gaya ng Maynila. Maraming sultanatong Muslim na kalat-kalat sa Mindanao ang pinag-ugatan ng Islam sa Pilipinas at ilan dito ang Sultanato ng Maguindanao at ang Sultanato ng Sulu. Maliban kay Karim at iba pang misyonerong nagturo ng relihiyong Islam, ilang mangangalakal na Muslim na may palagiang pasakalye sa Pilipinas, ilang lokal na pinunong Muslim na nagbinyag sa kanilang mga nasasakupan, at mga katutubong naakit ng kaisahan at tradisyong Islamiko ang nag-ilak sa pagpapalawak ng paniniwala sa buong kapuluan.
Sa pagbinyag sa Islam ng mga rehiyon sa Pilipinas, saka dumating ang mga Kastila upang sakupin ang bansa. Isinasagawa pa lamang ang Islamisasyon sa buong kapuluan nang mapanghawakan ng mga Kastila ang hilagang Pilipinas noong 1571. Matapos makabuo ng kontrol sa hilagang bahagi ng Pilipinas, paulit-ulit na nabigo ang mga Kastila na buwagin ang matibay na sultanato sa timog.
Anim na taon mula nang sakupin ng mga Kastila ang aktibong pangkalakalan, pulitikal at pangkabihasnang sinapupunan na kilala ngayon bilang Maynila, napatay ang pinuno ng mga Muslim at bumagsak ang Maynila at malaking bahagi ng kapuluan sa mga kamay ng mga Kastila. Sinakop ng Espanya ang Pilipinas nang mahigit na tatlong dantaon. Pahiwatig nito na pinamahalaan nito ang ekonomiya at administrasyong pulitikal, at dinala nila sa mga katutubo ang kanilang kabihasnan pati na rin ang kanilang paniniwala. Isinabuhay ng mga Kastilang mananakop ang paniniwalang Katoliko at hinangad nilang gawing Kristiyano ang lahat ng tao sa Pilipinas. Hinangad nilang binyagan ang mga katutubong naniniwala sa mga anito, pati na rin ang mga taong naging Muslim noong mga nakaraang dantaon. Samakatuwid, nagpadala ang Espanya ng isang malaking hukbo at ng pulutong ng mga Filipinong naging Kristiyano sa mga Muslim na sultanato sa timog. Doon, nakipaglaban sila sa mga Moro, ang tawag nila sa 13 pangkat ng mga Muslim sa Mindanao at halaw sa mga Muslim sa Aprikanong mga bansang Mauritania at Morocco na nakalaban din ng mga Kastila. Gustong sakupin ng mga Kastilang mananakop at ng mga binyaang Filipino ang mga sentrong pangkalakalan at angkinin ang mga sultanato para sa kolonyang Espanya. Hangad din nilang mahinto ang pamimirata ng mga Moro. Sa pagitan ng 1635 at 1663 na buong panahon ng pakikipaghamok, nasakop mila ang lugar ng Sulu. Mas kumpleto ang kagamitan ng mga Kastila kaysa mga Filipinog Muslim dahil mayroon silang barkong pandigma noong ikalawang hati ng ika-19 dantaon: isa itong bago at modernong imbensyon noong panahong iyon at mas matulin sa dagat kaysa iba pang barko. Maraming-maraming Moro ang naghina habang nakikipaglaban sa mga Kastila samantalang hindi na nagprotesta ang iba pa laban sa mga mananakop. Maraming-maraming tao sa katimugang Pilipinas ang kumilala sa mga Kastila bilang namamahala ng bansa, at maraming Kristiyano ang dumayo para manirahan sa lugar. Nagtapos ang pananakop ng mga Kastila noong 1896 nang makialam ang mga Amerikano. Ngnuit,hindi ito nangangahulugang malayang bansa na ang Pilipinas. Sumunod na nanakop ang mga Amerikano.
Sa sumunod na dalawang dantaon, sinubok ng Espanya na sakupin ang Mindanao sa pangalan ng inang bansa,ngunit bumuo ang 13 pangkat ng mga Muslim sa Mindanao ng isang pangkat na nag-alsa laban sa buong pananakop ng buong kapuluan sa sumunod na tatlong dantaon. Ipinagpatuloy ang pag-aalsa hanggang sa pamamayagpag ng mga Amerikano mula 1898 hanggang 1946. Matatandaang Katoliko ang mga Kastilang mananakop. Sinubok ng mga Amerikano na kaibiganin ang mga Muslim sa timog, at itinuring namanng mga Muslim na kakampi ang mga Amerikano. Subalit kinalaban din ng mga Amerikano ang mga Muslim upang makakuha ng kontrol.
Ginanyak ng mga Amerikano ang mga Kristiyanong Filipino mula sa hilagang Pilipinas na mandayuhan sa Sulu at iba pang bahagi ng Mindanao. Binigyan din nila ng pagkakataon ang mga tao sa timog na makapag-aral sa Maynila, ang kabisera ng Pilipinas, at tinuruan sila ng moderno at Kanluraning pamamaraan ng pamamanihala ng buhay-pulitika, ekonomiya at panlipunan. Bahagi ito ng istratehiya ng mga Amerikano upang mahuli ang loob ng mga Muslim sa timog ng Pilipinas. Hindi katulad ng mga Kastilang mananakop, hindi ipinilit ng mga Amerikano ang Kristiyanismo nang may dahas. Sa halip, sinubok nilang ituro ang kanilang mga kaisipan sa pamamagitan ng pagpapaaral ng mga pinunong Muslim sa timog. Noong panahon ng mga Amerikano, may iba pang mga pagbabago sa lipunang Muslim: tinanggal ang pang-aalipin, at nagbangon ng mga ospital, paaralan at mga daan. Samantala, hindi naman kusang-loob na tinanggap ito ng mga Muslim. Naramdaman nila na gustong palitawin ng mga Amerikano na nakahihigit ang mga Filipinong Kristiyano kaysa kanila, kaya ipinagpatuloy nila ang pag-aalsa laban sa pananakop at pagsubok na baguhin ang Pilipinas bilang isang Kanluranin at kapitalistang bansa.
Inayawan ng mga Moro ang pananakop ng mga Amerikano. Nangyari ang mga labanan sa pagitan ng nga Muslim at mga Amerikano noong nagsisimula ang ika-dalawampung dantaon. Samantalang marami sa mga isla ng Pilipinas ang nagdusa sa malawakang kasiraan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hindi gaanong nadamay ang Mindanao. Bilang huling lugar na natira sa panahon ng pagbuo, naging layon ito ng mga pampamahalaang proyektong pananakop.
Ginamit din ng mga Amerikanong mananakop ang taguring Moro sa mga Muslim na nasakop nila sa pamamagitan ng malakas na puwersa noong unang bahagi ng ikadalawampung dantaon. Bilang radikal na tugon sa insultong ito, isinatama ng mga separatistang Filipinong Muslim ang paggmit ng Moro at binago ito tungo sa isang simbolo ng kolektibong pagkakakilanlan—isang taguring sumakop sa mga mamamayan ng bagong bansa. Sa maraming taon, tinuklas ng mga aktibistang Muslim ang kanilang sariling Filipinong Muslim, paminsan-minsan sa pamamagitan ng armadong pag-aaklas. Nagbunga ang pagsisikap nila ng layunin sa bahagi ng pamahalaan na mag-eksperimento ng isang pangrehiyong autonomiya para sa Islamikong timog at kumondisyon ng mga pang-estadong tugon sa mga hindi nasakop na minoryang pamanayan.
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1941-1945), naging malaya ang Pilipinas. Nagkaroon ng republikang may tagapangulo, at naging pangunahing paniniwala ang relihiyong Kristiyano. Nakaramdam pa rin ng panganib ang mga Muslim sa mga Kristiyano, at kinapootan na mas maunlad ang hilagang Pilipinas kaysa timog Pilipinas. Mula noong 1950, maraming Muslim sa buong daigdig, kasama ang Saudi Arabia, ang umayaw sa panganganib ng Islamikong paniniwala at gawi ng buhay sa timog Pilipinas. Gusto nilang palakasin at suportahan sa maraming bagay ang pamayanang Islamiko. Nagbibigay ng pera ang mga pamahalaang Islamiko sa mga Filipinong Muslim na kinita mula sa pakikipagkalakal nila ng langis mula sa mga Kanluraning bansa, at sinusuportahan nila ang pag-aaral ng mga Morong mag-aaral sa Saudi Arabia. Inaanyayahan nila ang mga pinunong Moro sa mga Arabong kumperensiya upang tumalakay ng mga suliranin, at patuloy sila sa pagpapadala ng mga Islamikong misyonero upang magturo ng paniniwalang Islam sa timog Pilipinas. Simula naman noong 1970, maraming gurong Muslim ang dumalaw sa bansa at maraming mga Filipinong Muslim ang nandayuhan para dumalaw sa mga sentrong Islamiko layon ang hajj o pag-aaral. Bumalik silang matatag ang pananampalataya at masigasig na patibayin ang taling nag-uugnay sa kanila at sa iba pang mga Moro ng pandaigdigang pamayanang Muslim. Bilang bunga, maraming Muslim ang nakapagbangon ng mga bagong moske at paaralang pangrelihiyon, kung saan natututunan ng mga mag-aaral na babae at lalaki ang mga basikong ritwal at prinsipyo ng Islam at ang pagbasa ng Qur’an sa Arabiko. Ilang institusyong Muslim para sa nakatataas na pag-aaral gaya ng Jamiatul Philippine al-Islamia sa Marawi, ang nag-alok ng mga kurso sa Pag-aaral Islamiko.
Unti-unti, hindi lamang sinuportahan ng mga bansang ito ang Islam, bagkus ay pinagtibay pa ang kaisipan na mabuti ang maging malayang pulitikal ang mga Moro mula sa kabuuan ng Pilipinas. Pinag-ibayo ang pakiramdam ng pagkabansang Moro. Mula 1960, isinatinig ng mga Moro ang kagustuhang maging malaya o maging hiwalay na bansa mula sa Republika ng Pilipinas. May mga taong sumusuporta sa kaisipang magkaroon ng malayang bansang Moro at ihiwalay at buuin ang kanilang mga sarili bilang hiwalay o rebeldeng kilusan. Mula noong 1960, nakaranas ito ng paglaki ng populasyon at mabilis na pag-unlad. Nagdulot ng seryosong mga suliranin ang ganitong mga pagbabago. Naramdaman ng mga Morong nauungusan na sila sa bilang at marami ang nawalan ng tirahan, kung kaya gumanti sila sa pamamagitan ng gawaing terorista. Nang subuking ibalik ng sandatahang Pilipino ang kaayusan, nagbunga ito ng matinding sagupaan. Noong 1968, isang malaking grupo ng mga kabataang sundalong Moro ang nilikida ng pambansang sandatahan nang walang anumang uri ng pagdinig ng kaso. Mula 1969 hanggang 1970, libu-libong mga tao ang napatay at daan-daang bahay sa mga nayon ang sinunog. Dito nagsimula ang buong serye ng mararahas na sagupaan at labanan sa pagitan ng sandatahang gobyerno at ng mg separatistang Moro.
Simula noong 1990, matatag na sa kanilang paniniwala ang mga Filipinong Muslim. Taun-taon, marami ang magpupunta sa mga hajj patungong banal na lungsod ng Mecca; pag-uwi nila, kinakabitan sila ng titulong hajj para sa mga lalaki at hajji para sa mga babae. Sa maraming pamayanang Muslim, may isang moske kung saan tinatawag ng muezzin ang mananampalataya sa panalangin limang beses isang araw.
Nagsasama-sama ang tipikal na pamayanang Filipinong Muslim upang maipagtanggol ang kanilang mga sarili laban sa madudugong sagupaan sa pagitan ng sandatahang pambansa at ang mas mapag-alsang mga grupo ng mga Filipinong Muslim. Nitong mga huling taon, naging kanlungan ng mga separatistang grupong Muslim ang timog Pilipinas sa paggawa ng mararahas na gawaing terorismo. Isang istratehiya na nagpopondo ng kanilang mga gawain ang pagpapahirap sa pamahalaan sa pamamagitan ng pangingidnap. Halimbawa, madalas nangingidnap ang rebeldeng Abu Sayyaf ng tipikal na mga Kristiyanong Filipino, mga Kanluraning dayuhang turista, mga mangangalakal, at mga madreng Katoliko. Responsable rin sila sa mga pagpapasabog ng bomba na kumikitil ng buhay ng marami. Simula noong 2002, nasa timog Pilipinas ang sandatahang Amerikano upang tulungan ang sandatahang Pilipino sa pagpapahinto sa mga terorista ng kanilang mga gawain at upang mapalaya ang kinidnap at ikinulong na mga biktima. Layunin ng pagpapadala sa mga Amerikano ang pagpapatiwasay ng kalagayan sa Mindanao, ngunit hindi maiwasang nagdudulot ito ng mas matitinding karahasan. Maraming Filipinong umaayaw sa presensya ng mga Amerikanong militar, sapagkat naaalaala nila ang panahon ng pananakop ng mga Amerikano na mahigpit at maraming patayan.
Sa kasalukuyan, may estimadong 3.5 milyong Muslim sa Pilipinas. Samantalang kumakatawan sila ng kaunti sa 5 bahagdan ng populasyon ng Pilipinas na nag-iisang kalakhang Kristiyanong bansa sa Asya, nakasentro sa timog na bahagi ng bansa ang mga Filipinong Muslim, karamihan sa Sulu at katimugang Mindanao. Nananatili silang may hiwalay na pagkakakilanlan sa mga Katolikong Filipino hindi lamang sa pagsasabuhay ng Islam bagkus sa pagkakaiwas nila ng tatlong dantaon ng kalayaan mula sa dayuhang mananakop.
salamat poeh sa idea nito dahil nakatulung poeh ito sa aking proyekto
ReplyDeletesalamat poeh
eto po ba ung islamisasyon ng pilipinas?? thanks..
ReplyDeletethanks poe...
ReplyDeletec0f15u8z27 i6m27j7x64 c9w47j4h94 n3s91g0o93 r0n08w7j60 a4v62u5k55
ReplyDelete