the gapanese invasion is nigh!

"pinakamaganda ka nga sa buong kapuluan, pero latina na naman ang magwawagi ng korona at sash sa miss world! racism ba ito? lupasay!"

Thursday, March 06, 2008

isang pabuod na pasakalye sa tayan: sistema ng pagmamay-ari ng lupa at kamag-anakan


Iginiit ng mga Kanluraning antropolohista na hindi umiiral ang mga pamayanan sa kanayunan sa Pilipinas. Kahit papaano, may umiiral na panlipunang pagsasama-sama rito na maikakategorya sa tipong Bilateral=Eskimo, na may mga katangiang (1) litaw na maliliit na bahay-bahay, (2) namamayaning monogamya, (3) ambilokal at neolokal na paninirahan, (4) kawalan ng grupong panlipi, (5) presensya ng kamag-anakan sa magkabilang panig, (6) kawalan ng katangiang pangkasalan, (7) terminolohiya ng pinsan sa tipong Eskimo, (8) kawalan ng terminong pangmagulang sa mga tiyo at tiya. Kapansin-pansin din na ang pinakapanahang yunit ng nukleyar na pamilya ang pinakamahalagang samahang panlipunan, pang-ekonomiko at pagmamay-ari ng lupa.
May pitong maaring baitang sa proseso ng pagbabagong pang-estado at pang-uring pagbuo: (1) malaya at kasalang panloob sa mga lokal na pamayanan na may samahang panlipunang binubuo ng kamag-anakan sa magkabilang panig, (2) kaparehong samahang may kamag-anakan sa magkabilang panig sa panirahang matriyarkal, (3) samahang matrilineal na may panlabas na kasalan sa panig ng babae ba isinalokal sa mga hamlet, (4) buung-buong panig ng babae, (5) isang samahang matrilineal na iniimpluwensiyahan ng mga pagbabago sa tawagang pangkamag-anakan, (6) isang samahang matrilineal na pinamamayanihan ng panirahan patriyarkal, at (7) isang istrukturang panlipunan na may magkahalong panig ng matriyarka at patriyarka.
Ipinakita sa artikulo ang pag-iral ng ugnayan sa pagitan ng isahang karapatan sa lupa at kamag-anakan. Kamag-anakan sa magkabilang panig at nadagdagang pamilya sa dalawang panirahan ang dadalawang samahang nauugnay sa pag-mamay-ari ng lupa. Kabilang sa kamag-anakan ng isang tao ang kalahati ng mga kamag-anak ng kanyang mga magulang ngunit walang tuluyang pagkabilang sa kamag-anak sa hene-henerasyon. Samakatuwid, hindi maaaring magmay-ari ng lupa maliban sa mga karagdagang pamilya sa dalawang panirahan. Upang magsilbing pilian, iprinisinta and limitado at malayang ‘di-iisang-panig ng samahan ng kaanak.
May apat na dahilan kung bakit may suliranin ang pagtinging ito sa panlipunang samahan sa Pilipinas. Una, dapat mahati ang tanging kaisipang pangheograpiya at kaisipang antropolohikal panlipunan sa mga kalat-kalat na panirahan. Ikalawa, pinabayaan o hindi nagalugad ang mga samahang panlipunan sa ilang lugar ng Pilipinas. Ikatlo, hindi kinikilala ang malinaw na kaisipan ng hangganan at ng sistema ng pansamahang pagmamay-ari ng kagubatan ng mga samahang etniko sa Hilagang Luzon. Panghuli, iniimpluwensiyahan ng mga pag-aaral antropolohikal na ito ang pulitka sa iba’t ibang abot.
Kapansin-pansin din na nakatutulong ang mga katutubong antropolohista sa pagpapaunlad ng pag-aaral antropolohikal sa lokal na pamayanan at batas pangkaugalian. Isang bahaging inaral ang Tayan, isang katutubong taguri na nagsasaad ng katangiang pagpapamana gaya ng kagubatang minamana ng hene-henerasyon.
Ilang implikasyon ang lumitaw hinggil sa paglalapat ng Kanluraning moda ng antropolohiya sa isang Oryental na kuturang gaya ng atin. Una, may pagkiling para sa Kanluraning batayan ng antropolohiya laban sa kulturang Oryental kung saan inilalapat ang batayan. Hindi lahat sa Kanluraning modang ito ang maihuhulma sa tahasang ibang pagkakabuo ng sibilisasyon natin. Samakatuwid, totoo lamang sa batayang Kanluranin ang paggiit na hindi umiiral ang pamayanan sa kanayunan sa Pilipinas, samantalang hindi ito totoo sa lokal na batayan ng antropolohiya. May mga pagtatagpo sa pagitan ng Kanluranin at katutubong moda ng antropolohiya, gayunpaman; isa sa mga pagtatagpong ito ang pagbuo ng kaugnayan sa pagitan ng kamag-anakan at pagmamay-ari ng lupa. Kung gayon, hindi basta maitatapon ang kama-kamag-anak kung pag-uusapan ang pagsasalin at pagmana ng lupa.

2 comments: