Isipin mo kung paanong mula sa abaka
Ay nabubuo ang kapirasong parihabang papel na ito,
Kahel ang kulay at mukha ng bayani ng wikang Tagalog
Ang nakabalatay sa harap,
Samantalang palasyo ng mga pangulo ng bayan
At buhay na Ilog Pasig ang nasa likod.
Pambayad ito sa paglilingkod
Ng mga uring manggagawang nililimusan
Ng tip ng mga burgis
Na nagpiyesta sa mga pagkain sa resto
At nagpabantay ng bagung-bagong Revo.
Panukli ito ng kahera
Sa mga Nanay na nagsibili ng groserya
Gamit ang suweldo sa ATM ng kani-kanilang asawa,
Baryang panlimos ng matrona
Sa mga pulubing nakatanghod sa kapilya.
Isipin mo kung paanong sa Payatas, isang pamilya
Ang makakaraos sa isang kainan
Mula sa bente pesos na instant mami
At kalahating kilong bigas,
Kung paanong isang propesyonal
Ang mag-aabot sa FX driver ng bente pesos
Patungo sa destinasyong supermall,
Kung paanong matatanggal sa pambihirang listahan
Ang milyonaryong hindi bilyonaryo
Dahil 99,999,980 lamang
Ang perang nakaimbak sa bangko.
Isipin mo kung paanong sa pamamagitan ng bente—
Dalawang sampu, apat na limang barya
O buong papel na dalawampu—
Napag-uugnay ang masa at elitista
Sa isang paraang demokratiko.
Mare, it's...haay, beautiful. =)
ReplyDeleteito rin ang baon ng anak ko sa Central school.
ReplyDeletebrowse this site r7v73y5r80 replica louis vuitton replica bags toronto replica bags india Read Full Article y9o29i8c76 replica bags on amazon link l1s70n6s91 replica designer bags replica bags from korea
ReplyDelete