Bilang debotong Kristiyano, natural na naniiwala sa Diyos si San Tomas de Aquino, ngunit gusto niyang patunayan ang pag-iral ng Diyos sa mga hindi tumatanggap ng mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pananampalataya. Hindi kasi binibigyang permiso ng lohika ang pagpapaliwanag sa pag-iral ng Diyos. Kaya nga may limang pruweba ng pag-iral ng Diyos base sa lohika at pagmasid sa kalikasan. Sa unang argumento, sinubok ni Aquino na patunayang may unang kumikilos, at tinatawag itong Diyos. Pinatunayan niya ito sa pagsasabing anumang kumilos ay pinakilos ng iba pa. Hindi ito walang hanggan, kaya aabot sa konklusyon na may unang pagkilos na dahilan ng mga sumunod na pagkilos. Mas madali kung tutuusin ang ikalimang argumento dahil sa pagmasid ng mundo, makikitang lahat ng mga bagay ay patungo sa katapusan. Hindi puwedeng matapos ito nang hindi dinidirekta ng isang matalinong maykapal. Lagpas sa kakayanan ng tao ang idirekta ang malalaking bagay sa sandaigdigan gaya ng mga planeta at bituin, kaya mas makapangyarihan ang may kontrol sa mga ito. Ang dalawang argumentong ito ay magkaiba ng pamamaraan sa pagpapatunay na umiiral ang Diyos, sa isang banda, nagsimula ang lahat sa unang kumilos, samantalang sa isang banda, may isang kumokontrol sa iba pang bagay na lagpas sa kaya ng tao. Sa unang patunay, paano sasagutin ni Aquino kung ang tanong ay, “Ano ang nagpkilos sa Diyos?” Masasabing wala sapagkat dati nang umiiral pa ang Diyos, kaya patutunayan ito ni Aquino na walang hanggan nang umiirla ang Diyos. Kung bibigyan niya pa ng patunay ito, magiging paulit-ulit lang ang argumento. Iba ang kaso ng ikalimang argumento, dahil ang ayos na ng sandaigdigan ang nagpapatunay na gumagalaw ito sa gawi ng batas. Samantalang hindi basta lumitaw ang batas na ito, lumitaw ito sa paglikha ng sandaigdigan. Kung tutuusin ang teoryang Big Bang sa pagkakalikha ng sandaigdigan, ganoon din lumitaw ang batas ng kalikasan. Hindi naman maipaliwanag ito ng siyensya, na magsasabing may isang misteryosong puwersang gumawa nito upang gabayan ang gawi ng mundo. Ganito ang ginamit na argumento ni Aquino, na kayang suporthana ang sarili at walang pagkukulang sa lohika. Ang pagpatunay ng pag-iral ng Diyos ay isang mabuting gawi at kung may makagawa nito gamit ang mga argumentong hindi mapasusubalian, wlaang pagpipilian ang mga tao kundi maniwala sa pag-iral ng Diyos. Kahit ganito na ang ginawa ni Aquino, hindi makukuha ang lahat sa lohika at pangangatwiran. Lagi nang may elemento ng pananampalataya na meron lagi upang maniwala. Kung walang pananampalataya, kahit anong patunay na umiiral ang Diyos ay mababalewala.
No comments:
Post a Comment