Isang nakamamangha at kaaya-ayang misteryo: ito ang ibig sabihin ng mysterium tremendum et fascinosum. Sa pakikipagtagpo ng tao sa buong kakaiba o ‘di-pangkaraniwang karanasan, nakadarama siya ng ‘di-maipaliwanag, nakasisindak, nakaaaliw, nakakatakot na nakakamangha. Maiuugnay ang karanasang ito sa banal. Ngunit ang pagkamanghang ito ay hindi tulad ng sa mga astronomo kung namamalas nila ang kalakian ng sandaigdig, o ng mga kosmonaut kung nakikita nila ang mundo mula sa kinapal, o ng mga makata at artista kung sinisikap nilang ibulalas ang pagkagulat sav karanasang nadama nila sa kalikasan o sa sining ng pantaong teknolohiya, o ng mga paleontologo o iba pang makaagham kung kinakaharap nila ang mga misteryosong pagsisimula ng daigdig. Nakiakaramdam din tayo ng ganito kung nakikita ang taluktok ng bundok, ng ganda ng paglubog ng araw, ng lakas ng karagatan, ng lalim ng mga awing sa lupa, ng pag-uga ng lindol o paghampas ng bagyo. Ganito ang sagot natin sa mga kagila-gilalas na pangyayari sa sandaigdigan. Hindi lamang ito limitado sa mga totohanang nananampalataya o kinakailangang maging relihiyoso, pero maaring ispirtwal dahil may indikasyon ng malalim na damdaming pinupukaw kahit na wala namang kaakibat na kababalaghan. Ganito ang mysterium tremendum et fascinosum: isa itong pakikipagtagpo sa banal kaya nga nakadarama ng kagalingan at iba pang mga bagay na bumubuo sa daigdig, at ang tao ay nadarama ang banal na ito bilang misteryoso at kagila-gilalas na presensya. Sa pakikipagtagpong ito, nakadarama ng banal na pagkamangha. Kaya nga ang taong kaharap ang banal ay parang tumingin sa araw na nakikita lamang ang dilim. Ganito rin ang pagtagpo sa banal: nakikita lamang ang sariling dilim, karupukan at karumihan, and pagkamakasalanan ng sarili. Hindi makikita ng tao ang Diyos dahil hindi kaya ng taong tanggapin ang kadakilaan Nito. Sasabog siya sa npakalakas na kuryenteng aantig sa katrawan ng tao. Kaya nga nandito si Hesus upang sa pamamagitan Niya, Makita natin ang Diyos at bigyang kapatawaran ang sarili natin. Ang daan, katotohanan at ang buhay ang paraan upang makatagpo ang banal at mamalas ang wagas na pag-ibig ng Diyos.
aww
ReplyDelete:)
Check This Out bags replica gucci this replica ysl visit this site right here replica gucci
ReplyDelete