Bukod kay San Tomas de Aquino, nagbigay din ng pruweba si San Anselmo tungkol sa pag-iral ng Diyos. Argumento niya, maipriprisinta ang pag-iral ng Diyos gamit ang prinsipyo ng ontolohiya lamang; sinabi niyang ang pagmemeron ng Diyos ay tumutugma s kakayanan ng taong makita ang konsepto ng Diyos sa isip. Sa unang pasakalye, credimus te esse aliquid, quo nihil majus cogitari posit o naniniwala tayo na may bagay na mas malaki na hindi masasaisip. Sa pangalawang pasakalye, convincitur ergo etiam insipiens esse vel in intellectu aliquid, quo nihil majus cogitari potest… Et certe id, quo majus cogitari nequit, non potest esse in intellectu solo o kahit na ang mga mangmang ay dapat umaming may isang mas malaking bagay na umiiral na maaaring umiiral lamang sa kanyang isip, at dahil hindi ito maisasaisip, siguradong hindi lamang ito sa isip umiiral. Kaya nga existit ergo procul dubio aliquid, quo majus cogitari non valet, et in intellectu, et in re o samakatuwid, walang dudang may isang bagay na napakalaki na hindi maisip ngunit umiiral sa pag-unawa at sa reyalidad. May bentahe ito sapagkat mas malamang na tama ang pasakalye at tumutugma sa reyalidad and teorya. Makikita pa sa silohismo na pinapatunayan ang pag-iral ng Diyos bilang isang solusyon sa isang siyentipikong problema. Mahina lamang ito kung ang taong pagpriprisintahan ay wala talagang pananampalataya, dahil anumang paliwanag sa kanila, hindi nila tatanggapin ito. Kaya nga hindi maiisip ang hindi maisip kung ndi nagkakaroon ng pagtutulay sa pagitan ng paniniwala at lohika. May pagtatagpo ng mga elemento rito upang buuin ang isang kumpletong larawan ng kaisipang Katoliko. Sa ganitong sabi, misteryo nga ang Diyos, at naipapakita lang siya ng higit sa lohikal na pamamaraan kung para lang magkaroon ng pagpapahalaga. Matatagpuan ang pagpapahalagang ito sa kooperasyon ng paniniwala at katwiran upang mahikayat ang tao na mag-isip upang maintindihan ang argumento. May lohikal na patunay ang ontolohikal na argumento ni San Anselmo. Ngunit hindi man maintindihan sa iba pang lohika, hindi kinakailangang Makita ito kung hindi naman ito silohismo. Sa anyo nito ngayon, naipapakita ang misteryosong kalikasan ng pag-iral ng Diyos sa isang paraang nakakaakit ng pang-kaisipan at ispiritwal na pagtuklas.
So, sino yung tinutukoy ni San Anselmo na hangal? Yun lang bang mga tao na hindi naniniwala sa Diyos? O pati yung mga naniniwala din (kasama si San Anselmo mismo)?
ReplyDelete