the gapanese invasion is nigh!

"pinakamaganda ka nga sa buong kapuluan, pero latina na naman ang magwawagi ng korona at sash sa miss world! racism ba ito? lupasay!"

Tuesday, February 10, 2009

fieldtrip



















Bakit ka pa magtataka
Kung hindi man ako sumama
Kahit kumbinsihin mong
Maginaw sa Baguio,
Masaya kapiling ang mga
Bulaklak at bisita.
Umaambon na,
Ibig mo akong ihatid
Ng tingin
Patungo sa sasakyang
Umuugong na ang makina.
Tinignan kita
Sa gilid ng aking mga mata,
Sinasabing kagagaling
Ko lamang doon,
Lumilim sa mga punong pino
At nangaligkig habang pumipili
Ng tambo, gulay at strawberries.
Sumulong na ang field trip
At naiwan ako
Dahil ito talaga ang aking pakiusap:
Ang maglakbay sa malayo
Tumuklas ng bagong mundo
Makita ang sanlibutan
Nang hindi umaalis
Sa piling mo.

2 comments:

  1. OMG in love na in love

    ReplyDelete
  2. ...my gosh...nais ko din ang maglakbay kasama ang aking mahal..

    ReplyDelete