the gapanese invasion is nigh!

"pinakamaganda ka nga sa buong kapuluan, pero latina na naman ang magwawagi ng korona at sash sa miss world! racism ba ito? lupasay!"

Monday, February 02, 2009

acquaintances
























Lubayan mo na
ang pangingilala
dahil lagi at lagi
ay tinutubos mo
ang ipinambayad sa acquaintance party
ngunit namamali pa rin ng direksyon:
heto pa rin tayo, nagkakanya-kanyang amba,
handang magpukulan ng puri at pintas
subalit pulos praktis ang kaya.
Simula sa una ay nakadalo ka na
ng acquaintance parties—
may nangyayari nga ba?
Walang kawawaan ka kung maglibang
at tila namundok ng ilang tagsibol
Kung magkandarapa
sa mga nakabalatkayong mukha
samantalang heto pa rin nga tayo,
halos hindi makabasag ng tasa,
walang maisip gawin
malibang titigan ang maskara
ng isa’t isa.

No comments:

Post a Comment