Today, when my English majors’ brightest returned the book I had lent her for her apprentice teaching off campus, I found out a letter tucked between the book’s pages. I’m posting the epistle’s content verbatim. What do I say but thanks, too, Angela! Let me post my reply a little later.:)
***
November 28, 2008
Hi Sir,
Hello po…Siyempre po, una sa lahat—salamat po ng marami. You just don’t know how I really feel…sobra-sobrang salamat po. Nakakatuwa, nakakaiyak (and I’m literally crying while writing this), nakakatouch po na grabe po yung concern n’yo sa amin. Na kahit hindi niyo na kami estudyante, teacher pa rin kayo sa ‘min—anak niyo pa din kami.
Sir, nami-miss ko na po yung klase natin—yung libreng comedy bar (haha)…—nakaka-homesick po talaga.
Alam niyo po kung magiging estudyante ako forever, ok lang po basta kayo yung teacher.
Magaling po kayo as in sobra, hindi lang po magturo kundi pati makinig.
Mas masarap po talagang maging estudyante kesa magturo. Kaya lang po your goddess-like poise proves me wrong—kasi masaya naman po kayo eh.
Salamat po talaga—maraming-maraming-maraming salamat.
Hay…grabe…gusto ko diyan na lang ako sa school, kahit maraming project, assignment, kahit palaging may quiz.
Alam niyo nga po pala natutuwa po akong nandyan pa kayo sa ASAS, kasi nung dati natatandaan niyo po yun? Yung October 10, 2008 haha…yung nireport po naming yung mga stories using postcolonialism and Orientalism. Akala ko, aalis na kayo. Buti na lang po andyan pa din kayo. Kasi iba pa din po yung sa text lang. Natuwa po talaga ko nung malaman ko nung October 27, 2008 na magtuturo pa din kayo.
Sir, salamat po dito sa pinahiram niyo sa akin; nakaka-touch po talaga na kayo pa talaga yung naghanap sa library. Sorry rin po sa istorbo. At siyempre po salamat sa lahat.
Sana po ‘pag maging teacher kami—yung katulad niyo nila Sir RR, Ma’am Cochesa—friend-friend as in super close. Yung mga teacher po ditto, they are treating us nice…the students are good, but most of the time they are not.
I will be so happy if I will be your student again…ϋ Salamat po…salamat po talaga.
Angela May V. Santos
Ahning
2:09:58 A.M.
The Dumaguete Chill
1 day ago
e5l08a9f20 b7l00g3x93 t1e49m6p81 r9x83e0k46 k2i36t7d51 i0m05k4f40
ReplyDelete