Thursday, April 17, 2008
pag-ibig o obsesyon: pagsusuri sa tauhang si cristino sa dulang veronidia ni cirio panganiban
Isang popular na teksto ang nagsasabing “Iisa ang uri ng pag-ibig ngunit isang libo ang imitasyon,” ayon kay Francois La Rochefoucould. Sa kanyang sarili ay mahirap bigyang-kahulugan ang pag-ibig lalo na kung kailangang ikunsidera ang perspektibong dapat gamitin upang pakahuluganan ito. Ayon sa Banal na Kasulatan na napili kong diksyonaryo ng aking perspektibo, “Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi nananaghili, nagmamapuri o nagmamataas, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa, hindi nito ikinatutuwa ang gawang masama ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagbata, mapagtiwala, puno ng pag-asa at nagtitiyaga hanggang wakas” (I Korinto 13:4-7). Sa puntong ito, madali nang paghiwalayin ang ibig sabihin ng pag-ibig laban sa obsesyon na, sa aking pananaw, ay isa sa mga libu-libong konseptong naipagkakamaling pag-ibig. Samantalang ang pag-ibig ay walang hinihinging kapalit, kabaliktaran naman nito ang obsesyong ipinakita ng karakter ni Cristino sa dula.
Ang obsesyon ni Cristino kay Veronidia ay isang pag-aangkin sa babae bilang isang bagay na makapagpapasiya sa kanya o, sa teoryang pampanitikang postmodernong pemenismo, ay walang iba kundi objectification. Hindi nakikita ni Cristino si Veronidia bilang isang taong kapantay-kasama sa buhay; sa halip, gusto niyang kontrolin si Veronidia mula sa kaligayahan nito. Halimbawa, binigyan ni Cristino ng pasayaw si Veronidia, ngunit sa katatanong niya kung nasiyahan ito, may “suggestion” na ibig ng lalaking malaman kung naibibigay niya ang makakapagpaligaya—sa punto ay makakapagkontrol—sa babae.
Sa kaso ni Cristino, sa manipis na linya naghihiwalay sa pag-ibig at obsesyon, masasabi kong obsesyon ang nararamdaman niya patungkol kay Veronidia dahil sa mga kondisyonal ang “pag-ibig” nito sa kanya. Sabi ni Cristino, “Ikaw ay isang babaing divorciada, at kahit na maraming dalaga rito ay natangi sa akin, paano’y ikaw ang aking buhay (p.96, Hulagpos).” Pinamukha rin ni Cristino na ayaw ng kanyang ama kay Veronidia, subalit ipinaglaban pa rin niya si Veronidia kahit tinangalan siya ng mana. Hindi ito dapat sinabi ng isang tunay na umiibig na tulad ni Cristino, na utang na loob ni Veronidia ang pagdampot ni Cristino sa kanya, at sa obsesyon ng lalaki ay dapat na bayaran o tapatan nito ang ibinibigay niya. Noong namatay si Roselyo, gusto ni Veronidia na pumunta sa burol, pero ayaw siyang payagan ni Cristino. Kung tunay na mahal ni Cristino si Veronidia, na nagtitiwala siya rito, pinayagan niya itong makiramay. Sa mga aksyon ni Cristino, nagpapakita siya ng obsesyon kay Veronidia na siya lamang ang dapat makinabang dito bilang “object” niya.
Sa pangkalahatan, hindi pag-ibig ang nararamdaman ni Cristino kay Veronidia kundi obsesyon na pansariling interes lamang ang pinangangalagaan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.may website po ba ang dulaang veronidia??salamat!i badly neede it po kasi:)
ReplyDeletewhy is it that Veronidia needs to die? what's that suppose to mean? Does it solved the problem of the drama?
ReplyDelete