Hindi madali para sa akin
Na madama kang naghahanda
Upang makapaglayag na nag-iisa.
Nong una pa man ay magkasama na kita,
Nagpapaagos ng mga laruang
bangka sa pantalan,
Nagkakarerahan sa paglangoy
Sa ilog ng Gapan.
Subalit sa wakas ng tag-araw
Ay sasapit pa rin ang tag-ulan,
Iibahin ang ating gawi,
Imumulat tayo sa katotohanang
Makapagsosolo akong magpaagos
Ng bangka sa pantalan,
Maglulunoy sa ilog
Na ako lamang,
Dahil matututunan mong maglayag
Na nag-iisa
Habang sinisikap ko namang
Maging madali para sa akin
Ang umiral na wala ka.
No comments:
Post a Comment