Wala ako sa sarili,
Bumibigkas ng kung anong orasyon
Na hindi ko mawatasan,
Nagpruprusisyon
Patungo kung saan
Habang ibang tao’y sumasalunga
Binabagtas ang talunton na
Hahangga sa Main Gate
(Pauwi siguro sila sa kung saan mang lupalop).
Sa wakas ay nagkamalay ‘ata ako,
Nakapagtataka naman kasing
Bawat makasalubong ko’y
Ngumingiting may pangungutya,
Pinararatangan akong bulaan
Dahil hindi naman umano
Masanghayang tanawin
Ang lagoon
At banyaga raw sa kanila
Ang taludtod ng hamog
Na gumigiyagis sa luntiang damo.
Hindi ko sila pinansin;
Mapupunan pa ang kalahati
Ng salop,
Makakaya pa ng dibdib
Na pigilin ang pagbulwak
Ng rumaragasang damdamin.
Lamang,
Mentras akong nagtitimpi,
Lalong nag-uumulol ang
Kanilang naising ibagsak ako
Mula sa luwalhati ng
Pagsasatitik ng aking nadarama.
Sila ngayon ang wala sa sarili;
Ako naman ang lumuluha ng dugo.
naiiyak naman ako...
ReplyDeleteano ba ang nangyari, i-mail mo naman sakin ang kwento ala maala-ala mo kaya
nakakadepres talaga.
adminxtian@gmail.com