Sunday, November 15, 2009
epikong kolonyal: isang pagsusuri sa florante at laura
Halaw sa panahon ng pananakop ng mga Kastila noong 1521 hanggang 1898 ang Florante at Laura, isang mahabang pasalaysay na tula ng katutubong si Francisco Balagtas. Dahil sa pamamalakad ng mga dayuhan, nagkaroon ng maraming pagbabago at karagdagan sa katutubong panitikan lalo na sa uri at paksa. Sa kaso ng Florante at Laura, isa itong karagdagang uri sa katutubong panulaan sapagkat isa itong awit (na binabalatkayuan ang totoong katutubong porma nitong epiko). Makikita rin sa awit na ito ang mga pagbabago sa paksang panrelihiyon, pangmoralidad, at pangromansa na mga katangiang palasak na sa Europa noong panahong iyon.
Samantala, awit man ang Florante at Laura, nasa nakalimbag na porma na rin ito sapagkat inangkat dito sa Pilipinas ang sistema ng imprenta. Sa pananalasa ng mga hiram na panitikang Europeo, masasalamin sa akda ang mga dayuhang kaharian at tauhan sa halip na katutubong kalikasan.
Samantala, dahil sa kolonyal na kaligirang bumabalot sa pagkakaakda sa Florante at Laura, masasalamin dito ang dayuhang tradisyon ng pulitika, pamamalakad ng kaharian, pagtrato sa mga di-Kristiyanong lipi, pag-aaral, kaisipan ng katarungan, Kanluraning kaisipan ng kagandahan, Kristiyanong pananampalataya at pagpapahalagang naiimpluwensiyahan ng mananakop.
Tungkol naman sa diwang sinasambit ng Florante at Laura hinggil sa indibidwal, mahalagang isakilos ng bawat mamamayan ang paggawa ng kapalarang nasa awa ng Diyos. Sa kaso ni Florante na bida sa awit, mahusay siyang mandirigma ngunit nang sakupin ng traydor na si Adolfo ang kahariang ipinagtatanggol ni Florante, nadakip ang huli at iginapos sa kagubatan. Kahit patraydor ang pagkatalo ni Florante kay Adolfo, hindi nito naisip na paghigantian ang taksil bagkus ay nanawagan ito sa Diyos sa malaking bahagi ng kanyang hinagpis sa gubat.
Tungkol naman sa diwang sinasambit ng Florante at Laura hinggil sa kolektibong mamamayan, ipinapakita na kinakatawan ng bayani ang pagpapanatili ng sarili sa kabila ng pananakop. Sa kaso ni Florante, nananatili siya sa kahinahunan kahit dapat niyang paghimagsikan ang pananakop ni Adolfo sa kaharian ng Albanya. May paghihimagsik man, hindi dahas ang kinasangkapan ni Florante para labanan si Adolfo bagkus ay ipinagkatiwala na niya sa Poong Maykapal ang kapalaran. Dahil dito, masakop man ang bansa ng kung sinu-sino, mananatili ang sarili alinmang pagkakakilanlan ang kinamulatan.
Nanggagaling naman ang Florante at Laura sa konteksto ng Panahon ng Pananakop kung kailan naipapamalakaya na ang mga buto ng himagsikan. Dahil hindi na eksklusibo sa mga imprentang pansimbahan ang mga palimbagan, nakapaglimbag na rin ng mga akdang hindi nauukol lamang sa mga Kristiyanong ritwal at panalangin. Nag-umpisa na ring makapaglimbag ang mga katutubo ng mga akdang panromansa, anti-Kristiyanismo at anti-Hispanikong imperiyalismo at isa na sa mga iyon si Balagtas sa pamamagitan ng kanyang obrang Florante at Laura. Gumamit man si Balagtas ng mga dayuhang tauhan at tagpuan, ginawa lamang niya ito para pagtakpan ang paghihimagsik sa pananakop ng mga traydor na Kastila sa kahariang walang iba kundi Pilipinas. Sa adaptasyong ito rin ni Balagtas ng maraming dayuhang sangkap pampanitikan, ipinapamukha rin niya na kaya rin ng mga indio ang gumawa ng obara-maestrang nahahawig o nalalagpasan pa ang mga Europeong akda.
Sa kaso ng Florante at Laura, para sa mga indio ito na nagsisimula nang magising ang kamalayang makabansa. Ginawa ni Balagtas ang kanyang subersibong awit upang ipakita ang pagkakagapos ng mga mamamayan habang nasa pananakop ng mga Kastila ang kanilang bayan. Naghahari sa bayan ang kasamaan ngunit sa pagpapakitang ito ng kahima-himagsik na kalagayan ng bansa, ipinagpapasa-Diyos ang kapalaran dahil darating din ang panahong matatapos ang pananakop, gaya ng pagtapos ng armada nina Florante at Aladin sa pananakop sa Albanya, dahil magtatagumpay ang mabuti para sa Pilipinas.
Sa ngayon, matutunghayan pa sa kasalukuyang panitikan, lipunan at kasaysayan ang natirang impluwensiya ni Florante. Sapagkat maraming aspeto pa ng lipunang Filipino ang hindi nakakalaya matapos ang apat na dantaon ng pananakop, lumilitaw pa rin sa panitikan ang mga bayaning rebolusyunaryo na kinokondena ang pananalasa ng kapitalismo, neokolonyalismo at imperyalismo. Halimbawa ng mga akdang ganito ang Zsa Zsa Zaturnnah kung saan nagiging superheroine ang baklang bida upang kalabanin ang mga dayuhang Ingleserang pseudo-peminista. Sa lipunan naman, lumilitaw pa rin ang mga kabayanihang nagpapakita ng taglay na katapatan, kalakasan at pagkabansa sa pamamagitan ng mga Filipinong manggagawa sa ibang bansa na napagkakatiwalaan ng kanilang mga amo, ng mga taong nagsasauli ng kagamitang hindi sa kanila, lakas ng ‘di-matinag-tinag na ispiritu ng mga mahihirap na nananatiling may pag-asa sa kabila ng karukhaan at mga mamamayang nagsisilbi pa rin sa loob ng bansa kahit maraming oportunidad ng pag-unlad sa ibayong-dagat. Nasa dugo pa rin nila ang mga katangian ni Florante. Sa kasaysayan naman, makikita pa rin ang impluwensiya ng mga akda sa bisa ng mga Rebolusyong EDSA na nagtaboy sa mga abusadong Presidente upang panaigin ang demokrasya sa bansa. Tulad ni Florante, bayani ng bayan ang mga bayani ng EDSA.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
nice work opwwww....?>:}[+__??@!#$%^&?*&&&&&&&&&&&&& >>?":}{\_|+!~~~~@@/?>
ReplyDeleteang porma niya ay metrical romance pero ang ganda ng balintuna, para siyang tuloy parody
ReplyDelete4k0 4n6 6um4n4p n4 Fl0r4nt3
ReplyDeletes4 skuLL nmen
^_^
ReplyDeleteayy amboot
ReplyDeleteHahahah I feel u
Deletegrvehh ng gling mohh amn. .
ReplyDeletenami mannn..... pwo may ms manami pagd daad gnapangita ko
ReplyDelete