Hinugis ng patakarang kolonyal ang tula bilang anyong pampanitikan sa pamamagitan ng relihiyosong ideyolohiya na pinapairal ng mga prayle upang papaniwalain ang mga katutubo. Dahil sa aroganteng perspektibo ng mga kolonyal na mga Kastila na ang mga indio ay ‘di-sibilisado at, parang “lost sheep,” naging sintomas ng kamalayang ito ang mga relihiyosong tula na nagsasaad ng pagkakatagpo at kaligtasan sa pamamagitan ng pagsamba kay Kristo. May anyo ang tula na nagpapakita ng pagkaapi at sakripisyo ng Panginoong Hesu Kristo kaya dapat, ang mga indio rin ay sumailalim sa mga sakripisyo na isang dahilan sa pagiging kolonisado ng Espanya. Naging predominante ang pagtuturong Kristiyano sa tulang kolonyal kung itatambis sa pagtuturong “paganism” sa tulang tradisyunal, at sa bisa ng mga tulang kolonyal, ipinagmalaki ng mga taga-Kanluran ang kanyang ilusyong kagalingan at kabihasnan kumpara sa mga Oryental.
Nahugis ang nobelang El Filibusterismo ni Jose Rizal ng mga subersibong kondisyon na unti-unti nang naiipon at pagkatapos ay nagbunga ng pambansang himagsikan noong 1896. Itinuturing na pulitikal ang anyo ng nobela dahil sumipot ito sa panahong ang mga pagpapahirap, pagkawawa at pang-aabuso sa mga katutubo ay hindi na kasugutang pantao sa mga sakripisyo ng Panginoon kundi ay nagsisimula nang manggising ng damdaming makabansa sa mga indio sapat para isiping makalaya sa mga represibong gawa ng kolonyal na pamamahala ng Espanya. Sa Kabanata 7, kinuwestiyon ni Simoun ang implikasyon ng panukalang Academia Hispanica nina Basilio at kapwa mag-aaral dahil sa paghingi ng mga katutubo ng “assimilation” sa Espanya, pinapatay umano ang pagkakataong magkaroon ng pambansang identidad. Kung gayon, subersibo ang kondisyong ito dahil inaayawan ni Rizal ang pagdagdag pa ng Espanyol bilang wika sa napakarami nang wika sa Pilipinas at dahil may suhestiyon ng paghulagpos mula sa kolonisasyon upang sa kalayaan ay magbuo ng sariling identidad.
uhhhhmm
ReplyDeletegaling mo nman gumawa ng tula
ReplyDeleteslamat may project n ako
ReplyDeleteI don't get it. Akala ko ba tula?! Tss
ReplyDeletereplica bags australia replica evening bags replica bags wholesale india
ReplyDeleteregardez ce site Web designer répliques de bagages publié ici dolabuy.co regardez ici maintenant réplique louis vuitton répliques de sacs
ReplyDelete