the gapanese invasion is nigh!

"pinakamaganda ka nga sa buong kapuluan, pero latina na naman ang magwawagi ng korona at sash sa miss world! racism ba ito? lupasay!"

Friday, March 27, 2009

iskandalo ang kasamaan


Iskandalo sa pananampalataya ang kasamaan. Ito ay dahil sa pilosopiya ng relihiyon, ang suliranin ng kasamaan ay ang masalimuot na pagtanggap na habang umiiral ang Diyos, umiiral din ang kasamaan o paghihirap sa mundo. Iskandalo sa pananampalataya ang ganito dahil maaari Niyang pigilan ang kasamaan o hindi Niya pipigilan ito. Kung hindi niya pipigilan o maaaring pigilan ang kasamaan, paano pa siya naging Diyos na makapangyarihan? Sa mga nananampalataya, masamang kailangan ang kasamaan para sa pag-iral ng mas mabubuting bagay gaya ng malayang isipan o pag-unlad ispiritwal, may kasamaan dahil hindi natin mauunawaan ang Diyos, ang kasamaan ay simpleng kawalan ng kabutihan, o di kaya ay karampatang parusa. Anu't anuman, ang pananampalatayang nadudungisan ng kasamaan ay nababahiran ng pagkakamali dahil may kalayaan namang pumili bago magkamali. Subalit, sa tapat na pananalig, posible pa ring manampalataya sa kabila ng kasamaan at umasa kahit may tuksong mawalan ng pag-asa. Hindi man tuluyang madadaig ang pagsubok na kasamaan, may praktikal na kilos na tugon sa ganitong pagsubok. Posible pa ring manampalataya sa kabila ng kasamaan dahil kikilos para hindi gawin ang hindi nararapat at ang dapat labanan, sa kaso nito, ang kasamaan. Ganito umiral ang mga mito: mga sagradong kuwento ng mga Diyos hinggil sa pinagmulan ng mga bagay-bagay kasama na ang paglikha sa tao at ang patutunggali ng mabuti at masama. Lamang, kahit paigtingin pa ang praktikal na pakikibaka laban sa kasamaan, hindi maaaring hindi masubok ng tukso. Pag-asa ang tugon kahit may tuksong mawalan ng pag-asa dahil sa presensya ng dahas na nagdudulot ng paghihirap ng tao. Ang pagkilos ng pag-asa ay bumabawas ng kantidad ng kasamaan sa mundo. Ngunit hindi sapat ang ganitong pagkilos sapagkat dapat ding tumugon ang emosyon. Sa pagluluksa naipapakita ang pangangailangang tangaping hindi mauunawaan kung bakit kailangang mabulid sa tukso gayong maaaring iba na lang. Sa pagluluksa at pagreklamo sa Diyos, nagiging katartiko ang emosyon kaya nga natutuklasan na kaya nananampalataya at umaasa sa Diyos kahit na may kasamaan ay dahil isakandalo lamang ito sa mga taong hindi mapagtugma ang sabay na pag-iral ng Diyos at ng kasamaan. Dapat manampalataya kahit na may kasamaan.

No comments:

Post a Comment